Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-Qaṣaṣ — Talata 83 (Tagalog) — Bidyo

Al-Qaṣaṣ • Talata 83 sa 88 • Tagalog


تِلْكَ الدَّارُ الْآخِرَةُ نَجْعَلُهَا لِلَّذِينَ لَا يُرِيدُونَ عُلُوًّا فِي الْأَرْضِ وَلَا فَسَادًا ۚ وَالْعَاقِبَةُ لِلْمُتَّقِينَ 83
Pagsasalin:
Ang Tahanang Pangkabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin para sa mga hindi nagnanais ng kataasan sa lupa ni ng kaguluhan. Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala. Al-Qaṣaṣ 28:83
Tafsīr:
Ang tahanan sa Kabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin bilang tahanan ng kaginhawahan at pagpaparangal para sa mga hindi nagnanais ng pagpapakamalaki sa lupa sa pag-ayaw sa pananampalataya sa katotohanan at pagsunod dito at hindi nagnanais ng kaguluhan dito. Ang kahihinatnang pinapupurihan ay ang nasa paraiso na kaginhawahan at anumang dadapo sa loob nito na pagkalugod ni Allāh para sa mga tagapangilag sa pagkakasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-Qaṣaṣ • Talata 82 Susunod Al-Qaṣaṣ • Talata 84