Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 82)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kinaumagahan, ang mga nagmithi ng kinalalagyan niya kahapon ay nagsasabi: “Sayang ka na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos para sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at naghihigpit.” Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin ay talaga sanang nagpalamon Siya sa atin [sa lupa]. Sayang ka na hindi nagtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya.” (82)
Tafsīr
Kinaumagahan, ang mga nagmithi sa nasa kanya na yaman at gayak bago ng paglamon sa kanya ay nagsasabi habang mga nanghihinayang na nagsasaalang-alang: "Hindi ba tayo nakaalam na si Allāh ay nagpapaluwag sa panustos sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya at nanggigipit nito sa sinumang niloloob Niya kabilang sa kanila? Kung sakaling hindi nagmagandang-loob si Allāh sa atin sapagkat hindi Siya nagparusa sa atin dahil sa sinabi natin, talaga sanang ipinalamon Niya tayo [sa lupa] tulad ng pagpapalamon kay Qārūn." Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagatangging sumampalataya sa Mundo ni sa Kabilang-buhay, bagkus ang kahahantungan nila at ang kauuwian nila ay ang pagkalugi sa dalawang ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: