Surah Al-Qaṣaṣ (Ang mga Salaysay — القصص) (Talata 83)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang Tahanang Pangkabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin para sa mga hindi nagnanais ng kataasan sa lupa ni ng kaguluhan. Ang [mabuting] kahihinatnan ay ukol sa mga tagapangilag magkasala. (83)
Tafsīr
Ang tahanan sa Kabilang-buhay na iyon ay itatalaga Namin bilang tahanan ng kaginhawahan at pagpaparangal para sa mga hindi nagnanais ng pagpapakamalaki sa lupa sa pag-ayaw sa pananampalataya sa katotohanan at pagsunod dito at hindi nagnanais ng kaguluhan dito. Ang kahihinatnang pinapupurihan ay ang nasa paraiso na kaginhawahan at anumang dadapo sa loob nito na pagkalugod ni Allāh para sa mga tagapangilag sa pagkakasala sa Panginoon nila sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: