Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 14)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 14

وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَلَبِثَ فِيهِمْ أَلْفَ سَنَةٍ إِلَّا خَمْسِينَ عَامًا فَأَخَذَهُمُ الطُّوفَانُ وَهُمْ ظَالِمُونَ 14 ١٤

Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya, kaya nanatili siya sa kanila ng isang libong taon maliban sa limampung taon, saka dumaklot sa kanila ang gunaw habang sila ay mga tagalabag sa katarungan. (14)

Tafsīr
Talaga ngang nagpadala Kami kay Noe bilang sugo sa mga tao niya, kaya namalagi siya sa kanila sa loob ng siyam na raan at limampung taon, habang nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila. Dumaklot sa kanila ang gunaw habang sila ay mga tagalabag sa katarungan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya kaya napahamak sila sa pamamagitan ng pagkalunod.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba