Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 14 sa 69 • Tagalog


وَلَقَدْ أَرْسَلْنَا نُوحًا إِلَىٰ قَوْمِهِ فَلَبِثَ فِيهِمْ أَلْفَ سَنَةٍ إِلَّا خَمْسِينَ عَامًا فَأَخَذَهُمُ الطُّوفَانُ وَهُمْ ظَالِمُونَ 14
Pagsasalin:
Talaga ngang nagsugo Kami kay Noe sa mga tao niya, kaya nanatili siya sa kanila ng isang libong taon maliban sa limampung taon, saka dumaklot sa kanila ang gunaw habang sila ay mga tagalabag sa katarungan. Al-‘Ankabūt 29:14
Tafsīr:
Talaga ngang nagpadala Kami kay Noe bilang sugo sa mga tao niya, kaya namalagi siya sa kanila sa loob ng siyam na raan at limampung taon, habang nag-aanyaya sa kanila tungo sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh, ngunit nagpasinungaling sila sa kanya at nagpatuloy sila sa kawalang-pananampalataya nila. Dumaklot sa kanila ang gunaw habang sila ay mga tagalabag sa katarungan dahilan sa kawalang-pananampalataya nila kay Allāh at pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya kaya napahamak sila sa pamamagitan ng pagkalunod.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 13 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 15