Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sumasamba lamang kayo bukod pa kay Allāh sa mga diyus-diyusan at lumilikha kayo ng isang panlilinlang. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagdudulot para sa inyo ng panustos. Kaya maghangad kayo sa ganang kay Allāh ng panustos, sumamba kayo sa Kanya, at magpasalamat kayo sa Kanya. Tungo sa Kanya pababalikin kayo.” (17)
Tafsīr
Sumasamba lamang kayo, O mga tagapagtambal, sa mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala. Lumilikha-likha kayo ng kasinungalingan nang nag-aangkin kayo ng pagiging karapat-dapat ng mga iyon sa pagsamba. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagdudulot para sa inyo ng isang panustos para tumustos sa inyo. Kaya humiling kayo sa ganang kay Allāh ng panustos sapagkat Siya ang Tagapagtustos, sumamba kayo sa Kanya lamang, at magpasalamat kayo sa Kanya sa ibiniyaya Niya sa inyo na panustos. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti, hindi tungo sa mga diyus-diyusan ninyo."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: