Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 17 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 17 sa 69 • Tagalog


إِنَّمَا تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْثَانًا وَتَخْلُقُونَ إِفْكًا ۚ إِنَّ الَّذِينَ تَعْبُدُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ لَا يَمْلِكُونَ لَكُمْ رِزْقًا فَابْتَغُوا عِنْدَ اللَّهِ الرِّزْقَ وَاعْبُدُوهُ وَاشْكُرُوا لَهُ ۖ إِلَيْهِ تُرْجَعُونَ 17
Pagsasalin:
Sumasamba lamang kayo bukod pa kay Allāh sa mga diyus-diyusan at lumilikha kayo ng isang panlilinlang. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagdudulot para sa inyo ng panustos. Kaya maghangad kayo sa ganang kay Allāh ng panustos, sumamba kayo sa Kanya, at magpasalamat kayo sa Kanya. Tungo sa Kanya pababalikin kayo.” Al-‘Ankabūt 29:17
Tafsīr:
Sumasamba lamang kayo, O mga tagapagtambal, sa mga diyus-diyusang hindi nakapagpapakinabang at hindi nakapipinsala. Lumilikha-likha kayo ng kasinungalingan nang nag-aangkin kayo ng pagiging karapat-dapat ng mga iyon sa pagsamba. Tunay na ang mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh ay hindi nakapagdudulot para sa inyo ng isang panustos para tumustos sa inyo. Kaya humiling kayo sa ganang kay Allāh ng panustos sapagkat Siya ang Tagapagtustos, sumamba kayo sa Kanya lamang, at magpasalamat kayo sa Kanya sa ibiniyaya Niya sa inyo na panustos. Tungo sa Kanya lamang pababalikin kayo sa Araw ng Pagbangon para sa pagtutuos at pagganti, hindi tungo sa mga diyus-diyusan ninyo."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 16 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 18