Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 18 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 18 sa 69 • Tagalog


وَإِنْ تُكَذِّبُوا فَقَدْ كَذَّبَ أُمَمٌ مِنْ قَبْلِكُمْ ۖ وَمَا عَلَى الرَّسُولِ إِلَّا الْبَلَاغُ الْمُبِينُ 18
Pagsasalin:
Kung magpapasinungaling kayo, may nagpasinungaling nga na mga kalipunan [sa mga propeta nila] bago pa ninyo. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na malinaw [ng mensahe ni Allāh]. Al-‘Ankabūt 29:18
Tafsīr:
Kung magpapasinungaling kayo, O mga tagapagtambal, sa inihatid ni Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – may nagpasinungaling nga na mga kalipunan noong bago pa ninyo gaya ng mga tao nina Noe, `Ād, at Thamūd. Walang kailangan sa Sugo kundi ang pagpapaabot na maliwanag. Nagpaabot na siya sa inyo ng ipinag-utos sa Kanya ng Panginoon niya na ipaabot sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 17 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 19