Hindi ba nila napag-alaman kung papaanong nagpapasimula si Allāh sa paglikha, pagkatapos nagpapanumbalik Siya nito? Tunay na iyon, kay Allāh, ay madali. Al-‘Ankabūt 29:19 ⧉
Tafsīr:
Hindi ba napag-alaman nitong mga tagapagpasinungaling kung papaanong lumilikha si Allāh sa pasimula, pagkatapos ay nagpapanumbalik Siya nito matapos ng pagkalipol nito? Tunay na iyon, kay Allāh, ay madali sapagkat Siya ay nakakakaya: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman.