Sabihin mo: “Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano Siya nagsimula ng paglikha. Pagkatapos si Allāh ay magpapaluwal na huling pagpapaluwal. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.” Al-‘Ankabūt 29:20 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay [na muli]: "Humayo kayo sa lupain saka magnilay-nilay kayo kung papaano nagsimula si Allāh ng paglikha. Pagkatapos si Allāh ay magbibigay-buhay sa mga tao, matapos ng kamatayan nila, sa ikalawang buhay para sa pagkabuhay [na muli] at pagtutuos. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman sapagkat hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbuhay [na muli] sa mga tao kung paanong hindi Siya nawalang-kakayahan sa paglikha sa kanila sa unang [pagkakataon]."