[Banggitin] si Abraham noong nagsabi siya sa mga kababayan niya: “Sumamba kayo kay Allāh at mangilag kayong magkasala sa Kanya; iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay naging nakaaalam. Al-‘Ankabūt 29:16 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, ang kasaysayan ni Abraham nang nagsabi siya sa mga kababayan niya: "Sumamba kayo kay Allāh lamang at mangilag kayo sa parusa Niya sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang ipinag-uutos na iyon ay higit na mabuti para sa inyo kung kayo ay naging nakaaalam.