Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 20)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 20

قُلْ سِيرُوا فِي الْأَرْضِ فَانْظُرُوا كَيْفَ بَدَأَ الْخَلْقَ ۚ ثُمَّ اللَّهُ يُنْشِئُ النَّشْأَةَ الْآخِرَةَ ۚ إِنَّ اللَّهَ عَلَىٰ كُلِّ شَيْءٍ قَدِيرٌ 20 ٢٠

Sabihin mo: “Humayo kayo sa lupain saka tumingin kayo kung papaano Siya nagsimula ng paglikha. Pagkatapos si Allāh ay magpapaluwal na huling pagpapaluwal. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan.” (20)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagpasinungaling na ito sa pagkabuhay [na muli]: "Humayo kayo sa lupain saka magnilay-nilay kayo kung papaano nagsimula si Allāh ng paglikha. Pagkatapos si Allāh ay magbibigay-buhay sa mga tao, matapos ng kamatayan nila, sa ikalawang buhay para sa pagkabuhay [na muli] at pagtutuos. Tunay na si Allāh sa bawat bagay ay May-kakayahan: walang nakapagpapawalang-kakayahan sa Kanya na anuman sapagkat hindi Siya nawawalang-kakayahan sa pagbuhay [na muli] sa mga tao kung paanong hindi Siya nawalang-kakayahan sa paglikha sa kanila sa unang [pagkakataon]."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba