Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi siya: “Gumawa lamang kayo sa bukod pa kay Allāh ng mga diyus-diyusan dala ng isang pagmamahal sa gitna ninyo sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay tatanggi kayo sa isa’t isa at susumpa kayo sa isa’t isa. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagapag-adya.” (25)
Tafsīr
Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga kababayan niya: "Gumawa lamang kayo ng mga diyus-diyusan bilang mga diyos na sinasamba ninyo dahil sa pagkakakilalahan at pagmamahalan sa pagsamba sa mga ito sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mapuputol ang pagmamahalan na iyon sa pagitan ninyo sapagkat magpapawalang-kaugnayan ang ilan sa inyo sa iba sa inyo sa sandali ng pagkakita sa pagdurusa at susumpa ang ilan sa inyo sa iba. Ang titigilan ninyong kakanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagaadya na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh: wala mula sa mga diyus-diyusan ninyong dati ninyong sinasamba bukod pa kay Allāh, ni wala sa iba pa sa mga iyon."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: