Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 25 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 25 sa 69 • Tagalog


وَقَالَ إِنَّمَا اتَّخَذْتُمْ مِنْ دُونِ اللَّهِ أَوْثَانًا مَوَدَّةَ بَيْنِكُمْ فِي الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ ثُمَّ يَوْمَ الْقِيَامَةِ يَكْفُرُ بَعْضُكُمْ بِبَعْضٍ وَيَلْعَنُ بَعْضُكُمْ بَعْضًا وَمَأْوَاكُمُ النَّارُ وَمَا لَكُمْ مِنْ نَاصِرِينَ 25
Pagsasalin:
Nagsabi siya: “Gumawa lamang kayo sa bukod pa kay Allāh ng mga diyus-diyusan dala ng isang pagmamahal sa gitna ninyo sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay tatanggi kayo sa isa’t isa at susumpa kayo sa isa’t isa. Ang kanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagapag-adya.” Al-‘Ankabūt 29:25
Tafsīr:
Nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa mga kababayan niya: "Gumawa lamang kayo ng mga diyus-diyusan bilang mga diyos na sinasamba ninyo dahil sa pagkakakilalahan at pagmamahalan sa pagsamba sa mga ito sa buhay na pangmundo. Pagkatapos sa Araw ng Pagbangon ay mapuputol ang pagmamahalan na iyon sa pagitan ninyo sapagkat magpapawalang-kaugnayan ang ilan sa inyo sa iba sa inyo sa sandali ng pagkakita sa pagdurusa at susumpa ang ilan sa inyo sa iba. Ang titigilan ninyong kakanlungan ninyo ay ang Apoy. Walang ukol sa inyo na mga tagaadya na magsasanggalang sa inyo laban sa pagdurusang dulot ni Allāh: wala mula sa mga diyus-diyusan ninyong dati ninyong sinasamba bukod pa kay Allāh, ni wala sa iba pa sa mga iyon."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 24 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 26