Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan niya kundi na nagsabi sila: “Patayin ninyo siya o sunugin ninyo siya,” ngunit pinaligtas siya ni Allāh mula sa apoy. Tunay na sa gayon ay may mga tanda para sa mga taong sumasampalataya. Al-‘Ankabūt 29:24 ⧉
Tafsīr:
Ngunit walang iba ang sagot ng mga kababayan ni Abraham sa kanya – matapos ng pag-uutos niya sa kanila na pagsamba kay Allāh lamang at pag-iwan sa pagsamba sa iba pa sa Kanya gaya ng mga anito – kundi na nagsabi sila: "Patayin ninyo siya o ihagis ninyo siya sa apoy bilang pag-aadya sa mga diyos ninyo." Ngunit iniligtas siya ni Allāh mula sa apoy. Tunay na sa pagpapaligtas sa kanya mula sa apoy matapos ng pagtapon sa kanya roon ay talagang may mga maisasaalang-alang para sa mga taong sumasampalataya dahil sila ay ang mga makikinabang sa mga maisasaalang-alang.