Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 36)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 36

وَإِلَىٰ مَدْيَنَ أَخَاهُمْ شُعَيْبًا فَقَالَ يَا قَوْمِ اعْبُدُوا اللَّهَ وَارْجُوا الْيَوْمَ الْآخِرَ وَلَا تَعْثَوْا فِي الْأَرْضِ مُفْسِدِينَ 36 ٣٦

[Nagsugo Kami sa] Madyan ng kapatid nilang si Shu`ayb, saka nagsabi siya: “O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh, mag-asam kayo ng [gantimpala sa] Huling Araw, at huwag kayong manampalasan sa lupa bilang mga tagagulo.” (36)

Tafsīr
Nagsugo Kami sa Madyan ng kapatid nila sa kaangkanan na si Shu`ayb – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – saka nagsabi siya: "O mga kalipi ko, sumamba kayo kay Allāh lamang mag-asam kayo sa pagsamba ninyo sa Kanya ng ganti sa Huling Araw, at huwag kayong manggulo sa lupa sa pamamagitan ng paggawa ng mga pagsuway at pagpapalaganap ng mga ito."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba