Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 38)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 38

وَعَادًا وَثَمُودَ وَقَدْ تَبَيَّنَ لَكُمْ مِنْ مَسَاكِنِهِمْ ۖ وَزَيَّنَ لَهُمُ الشَّيْطَانُ أَعْمَالَهُمْ فَصَدَّهُمْ عَنِ السَّبِيلِ وَكَانُوا مُسْتَبْصِرِينَ 38 ٣٨

[Nagpahamak Kami] sa `Ād at Thamūd, at luminaw ito para sa inyo mula sa mga tirahan nila. Ipinang-akit para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila kaya bumalakid siya sa kanila sa landas habang sila noon ay mga nakatatalos. (38)

Tafsīr
Nagpahamak Kami nang gayon sa [liping] `Ād, ang mga kalipi ni Hūd, at sa [liping] Thamūd, ang mga kalipi ni Ṣāliḥ. Luminaw nga para sa inyo, O mga naninirahan sa Makkah, mula sa mga tirahan nila sa Shijr ng Ḥaḍramawt [sa Yemen] at Ḥijr ang nagpapatunay sa inyo sa pagpapahamak sa kanila sapagkat ang mga tirahan nilang walang laman ay sumasaksi roon. Pinaganda para sa kanila ng demonyo ang mga gawain nila na sila noon ay nasa mga iyon gaya ng kawalang-pananampalataya at iba pa rito na mga pagsuway. Nagpalihis siya sa kanila palayo sa landasing tuwid habang sila noon ay mga may pagkakita sa katotohanan, pagkaligaw, pagkagabay, at pagkalisya dahil sa itinuro sa kanila ng mga sugo nila, subalit pinili nila ang pagsunod sa pithaya sa halip ng pagsunod sa patnubay.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba