Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 39)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 39

وَقَارُونَ وَفِرْعَوْنَ وَهَامَانَ ۖ وَلَقَدْ جَاءَهُمْ مُوسَىٰ بِالْبَيِّنَاتِ فَاسْتَكْبَرُوا فِي الْأَرْضِ وَمَا كَانُوا سَابِقِينَ 39 ٣٩

[Nagpahamak Kami] kina Qārūn, Paraon, at Hāmān. Talaga ngang naghatid sa kanila si Moises ng mga patunay na malinaw ngunit nagmalaki sila sa lupain at hindi sila noon mga nakauuna. (39)

Tafsīr
Nagpahamak Kami kay Qārūn – noong nagpakapalalo siya laban sa mga kalipi ni Moises – sa pamamagitan ng pagpapalamon sa kanya at sa tahanan niya [sa lupa]. Nagpahamak Kami kay Paraon at sa katuwang niyang si Hāmān sa pamamagitan ng pagkalunod sa dagat. Talaga ngang naghatid sa kanila si Moises ng mga tandang maliwanag na nagpapatunay sa katapatan niya, ngunit nagmalaki sila sa lupain ng Ehipto sa halip ng pagsampalataya sa kanya. Hindi sila naging ukol maligtas mula sa pagdurusang dulot Namin sa pamamagitan ng pagkaalpas nila sa Amin.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba