Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagsabi sila: “Bakit kasi walang pinababa sa kanya na mga tanda mula sa Panginoon niya?” Sabihin mo: “Ang mga tanda ay nasa ganang kay Allāh lamang at ako ay isang mapagbabalang malinaw lamang.” (50)
Tafsīr
Nagsabi ang mga tagapagtambal: "Bakit kaya walang pinababa kay Muḥammad na mga tanda mula sa Panginoon niya tulad ng pinababa sa mga sugo bago pa siya?" Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagmungkahing ito: "Ang mga tanda ay nasa kamay ni Allāh lamang – kaluwalhatian sa Kanya; nagpapababa Siya ng mga ito kailanman Niya loobin. Hindi nakasalalay sa akin ang pagpapababa sa mga ito. Ako ay isang mapagbabala lamang para sa inyo laban sa parusa ni Allāh, na maliwanag sa pagbabala."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: