Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Nakasapat si Allāh sa pagitan ko at ninyo bilang Saksi. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan at tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi.” (52)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Nakasapat si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – bilang tagasaksi sa katapatan ko sa anumang inihatid ko at sa pagpapasinungaling ninyo rito. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at nakaaalam Siya sa anumang nasa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan mula sa bawat sinasamba bukod pa kay Allāh at tumangging sumampalataya kay Allāh na karapat-dapat lamang para sa pagsamba, ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sa pagpapalit nila ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: