Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 52 sa 69 • Tagalog


قُلْ كَفَىٰ بِاللَّهِ بَيْنِي وَبَيْنَكُمْ شَهِيدًا ۖ يَعْلَمُ مَا فِي السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ ۗ وَالَّذِينَ آمَنُوا بِالْبَاطِلِ وَكَفَرُوا بِاللَّهِ أُولَٰئِكَ هُمُ الْخَاسِرُونَ 52
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Nakasapat si Allāh sa pagitan ko at ninyo bilang Saksi. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at lupa. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan at tumangging sumampalataya kay Allāh, ang mga iyon ay ang mga lugi.” Al-‘Ankabūt 29:52
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Nakasapat si Allāh – kaluwalhatian sa Kanya – bilang tagasaksi sa katapatan ko sa anumang inihatid ko at sa pagpapasinungaling ninyo rito. Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit at nakaaalam Siya sa anumang nasa lupa: walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa mga ito. Ang mga sumampalataya sa kabulaanan mula sa bawat sinasamba bukod pa kay Allāh at tumangging sumampalataya kay Allāh na karapat-dapat lamang para sa pagsamba, ang mga iyon ay ang mga lugi dahil sa pagpapalit nila ng kawalang-pananampalataya sa pananampalataya."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 51 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 53