Nagpapamadali sila sa iyo ng pagdurusa. Kung hindi dahil [may] isang taning na tinukoy, talaga sanang dumating sa kanila ang pagdurusa at talagang pupunta nga ito sa kanila ng biglaan habang sila ay hindi nakararamdam. Al-‘Ankabūt 29:53 ⧉
Tafsīr:
Nagpapamadali sa iyo, O Sugo, ang mga tagapagtambal ng pagdurusang ibinabala mo sa kanila. Kung hindi dahil na si Allāh ay nagtakda para sa pagdurusa nila ng isang panahong hindi nauuna at hindi nahuhuli, talaga sanang dumating sa kanila ang hiniling nila na pagdurusa at talagang pupunta nga ito sa kanila nang biglaan habang sila ay hindi umaasa niyon.