Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kay raming gumagalaw na nilalang na hindi nagbubuhat ng panustos ng mga ito, na si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at sa inyo. Siya ay ang Madinigin, ang Maalam. (60)
Tafsīr
Ang lahat ng mga hayop – sa kabila ng dami ng mga ito – na hindi nakakaya sa pagtipon ng panustos ng mga ito ni pagbubuhat nito, si Allāh ay nagtutustos sa mga ito at nagtutustos sa inyo. Kaya walang dahilan para sa inyo sa pag-iwan sa paglikas dahil sa pangamba sa pagkagutom. Siya ay ang Madinigin sa mga sinasabi ninyo, ang Maalam sa mga layunin ninyo at mga ginagawa ninyo: walang nakakukubli sa Kanya na anuman mula roon. Gaganti Siya sa inyo roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: