Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Walang iba ang buhay na ito sa Mundo kundi isang paglilibang at isang laro. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang pinakabuhay, kung sakaling sila noon ay nakaaalam. (64)
Tafsīr
Walang iba ang buhay na ito sa Mundo – kalakip ng dulot nito na mga ninanasa at tinatamasa – kundi isang paglilibang para sa mga puso ng mga nahuhumaling dito at isang laro. Hindi maglalaon at magwawakas ito nang may kabilisan. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang buhay na tunay dahil sa pananatili niyon. Kung sakaling sila noon ay nakaaalam, hindi sana sila nagpauna ng [gawang] naglalaho higit sa [gawang] nananatili.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: