Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-‘Ankabūt — Talata 64 (Tagalog) — Bidyo

Al-‘Ankabūt • Talata 64 sa 69 • Tagalog


وَمَا هَٰذِهِ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا لَهْوٌ وَلَعِبٌ ۚ وَإِنَّ الدَّارَ الْآخِرَةَ لَهِيَ الْحَيَوَانُ ۚ لَوْ كَانُوا يَعْلَمُونَ 64
Pagsasalin:
Walang iba ang buhay na ito sa Mundo kundi isang paglilibang at isang laro. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang pinakabuhay, kung sakaling sila noon ay nakaaalam. Al-‘Ankabūt 29:64
Tafsīr:
Walang iba ang buhay na ito sa Mundo – kalakip ng dulot nito na mga ninanasa at tinatamasa – kundi isang paglilibang para sa mga puso ng mga nahuhumaling dito at isang laro. Hindi maglalaon at magwawakas ito nang may kabilisan. Tunay na ang tahanan sa Kabilang-buhay ay talagang iyon ang buhay na tunay dahil sa pananatili niyon. Kung sakaling sila noon ay nakaaalam, hindi sana sila nagpauna ng [gawang] naglalaho higit sa [gawang] nananatili.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-‘Ankabūt • Talata 63 Susunod Al-‘Ankabūt • Talata 65