Kapag nakasakay sila sa daong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya] Al-‘Ankabūt 29:65 ⧉
Tafsīr:
Kapag nakasakay ang mga tagapagtambal sa mga daong sa dagat ay dumadalangin sila kay Allāh lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagdalangin na iligtas sila mula sa pagkalunod. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila mula sa pagkalunod, naging mga tagapagtambal sila na dumadalangin kasama sa Kanya sa mga diyos nila.