Surah Al-‘Ankabūt (Ang Gagamba — العنكبوت) (Talata 65)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




29 Al-‘Ankabūt(العنكبوت), Talata 65

فَإِذَا رَكِبُوا فِي الْفُلْكِ دَعَوُا اللَّهَ مُخْلِصِينَ لَهُ الدِّينَ فَلَمَّا نَجَّاهُمْ إِلَى الْبَرِّ إِذَا هُمْ يُشْرِكُونَ 65 ٦٥

Kapag nakasakay sila sa daong ay dumadalangin sila kay Allāh habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa relihiyon. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila patungo sa katihan, biglang sila ay nagtatambal [sa Kanya] (65)

Tafsīr
Kapag nakasakay ang mga tagapagtambal sa mga daong sa dagat ay dumadalangin sila kay Allāh lamang habang mga nagpapakawagas para sa Kanya sa pagdalangin na iligtas sila mula sa pagkalunod. Ngunit noong nagligtas Siya sa kanila mula sa pagkalunod, naging mga tagapagtambal sila na dumadalangin kasama sa Kanya sa mga diyos nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba