Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang ng isang kagandahan. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil doon ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa. Sa Akin ang babalikan ninyo saka magbabalita Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa. (8)
Tafsīr
Nagtagubilin Kami sa tao hinggil sa mga magulang niya na magpakabuti siya sa kanilang dalawa at gumawa siya ng maganda sa kanilang dalawa. Kung nagpunyagi silang dalawa sa iyo, O tao, upang magtambal ka sa Akin ng anumang wala kang kaalaman hinggil sa pagtatambal sa Akin – gaya ng naganap kay Sa`d bin Abī Waqqāṣ – malugod si Allāh sa kanya – dahil sa ina niya – ay huwag kang tumalima sa kanilang dalawa kaugnay roon dahil walang pagtalima sa isang nilikha kapalit ng pagsuway sa Tagalikha. Tungo sa Akin lamang ang pagbabalik ninyo sa Araw ng Pagbangon, saka magpapabatid Ako sa inyo hinggil sa anumang dati ninyong ginagawa sa Mundo at gaganti Ako sa inyo roon.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: