Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 103)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh nang lahatan at huwag kayong magkahati-hati. Mag-alaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo yayamang kayo noon ay magkakaaway at nagbuklod Siya sa pagitan ng mga puso ninyo kaya kayo dahil sa biyaya Niya ay naging magkakapatid. Kayo noon ay nasa isang bingit ng isang hukay ng Apoy ngunit sumagip siya sa inyo mula roon. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan. (103)
Tafsīr
Humawak kayo, O mga mananampalataya, sa Qur'ān at Sunnah at huwag kayong gumawa ng magsasadlak sa inyo sa pagkakahati-hati. Alalahanin ninyo ang pagbiyaya ni Allāh sa inyo. Nang kayo dati ay magkakaaway bago ng Islām, na mga nag-aawayan dahil sa pinakakaunti sa mga dahilan, ay nagbuklod Siya sa mga puso ninyo sa pamamagitan ng Islām kaya kayo dahil sa kabutihang-loob Niya ay naging magkakapatid sa relihiyon, na mga nag-aawaan, na mga nagpapayuhan. Kayo dati bago niyon ay mga nalalapit sa pagpasok sa Apoy dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo ngunit nagligtas sa inyo si Allāh mula roon sa pamamagitan ng Islām at nagpatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya. Kung paanong naglinaw para sa inyo si Allāh nito, naglilinaw Siya para sa inyo ng makabubuti sa mga kalagayan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay upang mapatnubayan kayo tungo sa daan ng pagkagabay at tumahak kayo sa landas ng pagpapakatuwid.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: