Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 103 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 103 sa 200 • Tagalog


وَاعْتَصِمُوا بِحَبْلِ اللَّهِ جَمِيعًا وَلَا تَفَرَّقُوا ۚ وَاذْكُرُوا نِعْمَتَ اللَّهِ عَلَيْكُمْ إِذْ كُنْتُمْ أَعْدَاءً فَأَلَّفَ بَيْنَ قُلُوبِكُمْ فَأَصْبَحْتُمْ بِنِعْمَتِهِ إِخْوَانًا وَكُنْتُمْ عَلَىٰ شَفَا حُفْرَةٍ مِنَ النَّارِ فَأَنْقَذَكُمْ مِنْهَا ۗ كَذَٰلِكَ يُبَيِّنُ اللَّهُ لَكُمْ آيَاتِهِ لَعَلَّكُمْ تَهْتَدُونَ 103
Pagsasalin:
Mangunyapit kayo sa lubid ni Allāh nang lahatan at huwag kayong magkahati-hati. Mag-alaala kayo sa biyaya ni Allāh sa inyo yayamang kayo noon ay magkakaaway at nagbuklod Siya sa pagitan ng mga puso ninyo kaya kayo dahil sa biyaya Niya ay naging magkakapatid. Kayo noon ay nasa isang bingit ng isang hukay ng Apoy ngunit sumagip siya sa inyo mula roon. Gayon naglilinaw si Allāh para sa inyo ng mga tanda Niya, nang sa gayon kayo ay mapapatnubayan. Āl ‘Imrān 3:103
Tafsīr:
Humawak kayo, O mga mananampalataya, sa Qur'ān at Sunnah at huwag kayong gumawa ng magsasadlak sa inyo sa pagkakahati-hati. Alalahanin ninyo ang pagbiyaya ni Allāh sa inyo. Nang kayo dati ay magkakaaway bago ng Islām, na mga nag-aawayan dahil sa pinakakaunti sa mga dahilan, ay nagbuklod Siya sa mga puso ninyo sa pamamagitan ng Islām kaya kayo dahil sa kabutihang-loob Niya ay naging magkakapatid sa relihiyon, na mga nag-aawaan, na mga nagpapayuhan. Kayo dati bago niyon ay mga nalalapit sa pagpasok sa Apoy dahil sa kawalang-pananampalataya ninyo ngunit nagligtas sa inyo si Allāh mula roon sa pamamagitan ng Islām at nagpatnubay Siya sa inyo sa pananampalataya. Kung paanong naglinaw para sa inyo si Allāh nito, naglilinaw Siya para sa inyo ng makabubuti sa mga kalagayan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay upang mapatnubayan kayo tungo sa daan ng pagkagabay at tumahak kayo sa landas ng pagpapakatuwid.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 102 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 104