Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 104 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 104 sa 200 • Tagalog


وَلْتَكُنْ مِنْكُمْ أُمَّةٌ يَدْعُونَ إِلَى الْخَيْرِ وَيَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنْكَرِ ۚ وَأُولَٰئِكَ هُمُ الْمُفْلِحُونَ 104
Pagsasalin:
Maging mayroon sa inyo na isang kalipunang nag-aanyaya tungo sa mabuti, nag-uutos sa nakabubuti, at sumasaway sa nakasasama. Ang mga iyon ay ang mga matagumpay. Āl ‘Imrān 3:104
Tafsīr:
Magkaroon kabilang sa inyo, O mga mananampalataya, ng isang pangkat na nag-aanyaya tungo sa bawat mabuting iniibig ni Allāh, na nag-uutos sa nakabubuti na pinatunayan ng Batas ng Islām at minamabuti ng isip; at sumasaway sa nakasasama na sinaway ng Batas ng Islām at minasama ng isip. Ang mga nailalarawan sa katangiang ito ay ang mga alagad ng ganap na tagumpay sa Mundo at Kabilang-buhay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 103 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 105