Huwag kayong maging gaya ng mga nagkahati-hati at nagkaiba-iba [na mga Hudyo at mga Kristiyano] matapos na dumating sa kanila ang mga malinaw na patunay. Ang mga iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang sukdulan. Āl ‘Imrān 3:105 ⧉
Tafsīr:
Huwag kayo, O mga mananampalataya, maging tulad sa mga May Kasulatan na mga nagkahati-hati kaya naging mga lapian at mga sekta, at nagkaiba-iba sa relihiyon nila mula ng matapos na dumating sa kanila ang mga maliwanag na tanda mula kay Allāh – pagkataas-taas Siya. Ang mga nabanggit na iyon ay may ukol sa kanila na isang pagdurusang sukdulan mula kay Allāh.