Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 114)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 114

يُؤْمِنُونَ بِاللَّهِ وَالْيَوْمِ الْآخِرِ وَيَأْمُرُونَ بِالْمَعْرُوفِ وَيَنْهَوْنَ عَنِ الْمُنْكَرِ وَيُسَارِعُونَ فِي الْخَيْرَاتِ وَأُولَٰئِكَ مِنَ الصَّالِحِينَ 114 ١١٤

Sumasampalataya sila kay Allāh at sa Huling Araw, nag-uutos sila ng nakabubuti, sumasaway sila ng nakasasama, at nagmamabilis sila sa mga kabutihan. Ang mga iyon ay kabilang sa mga maayos. (114)

Tafsīr
Sumasampalataya sila kay Allāh at sa Huling Araw ayon sa pananampalatayang tiyakan, nag-uutos sila ng nakabubuti at kabutihan, sumasaway sila ng nakasasama at kasamaan, nagmamadali sila sa mga gawain ng mga kabutihan, at sumasamantala sila sa mga panahon ng mga pagtalima. Ang mga nailalarawang iyon sa mga katangiang ito ay kabilang sa mga lingkod ni Allāh na umayos ang mga layunin nila at ang mga gawain nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba