Surah Al-Aḥqāf (Ang mga Buhanging Burol — الأحقاف) (Talata 12)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




46 Al-Aḥqāf(الأحقاف), Talata 12

وَمِنْ قَبْلِهِ كِتَابُ مُوسَىٰ إِمَامًا وَرَحْمَةً ۚ وَهَٰذَا كِتَابٌ مُصَدِّقٌ لِسَانًا عَرَبِيًّا لِيُنْذِرَ الَّذِينَ ظَلَمُوا وَبُشْرَىٰ لِلْمُحْسِنِينَ 12 ١٢

Bago pa nito, ang Kasulatan ni Moises ay bilang gabay at bilang awa. [Ang Qur’ān na] ito ay Aklat na tagapagpatotoo, sa wikang Arabe, upang magbabala ito sa mga lumabag sa katarungan at bilang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda. (12)

Tafsīr
Bago pa ng Qur'ān na ito, ang Torah ay ang Kasulatan na pinababa ni Allāh kay Moises – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – bilang gabay na tinutularan sa katotohanan at bilang awa para sa sinumang sumampalataya rito at sumunod dito kabilang sa mga anak ni Israel. Ang Qur'ān na ito na pinababa kay Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – ay Aklat na tagapagpatotoo sa nauna rito na mga kasulatan, na nasa wikang Arabe, upang magbabala sa pamamagitan nito sa mga lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa pagtatambal kay Allāh at dahil sa paggawa ng mga pagsuway. Ito ay isang balitang nakagagalak para sa mga tagagawa ng maganda na nagpaganda ng ugnayan nila sa Tagalikha nila at ng ugnayan nila sa nilikha Niya.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba