Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 117)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang paghahalintulad sa ginugugol nila sa buhay na pangmundong ito ay gaya ng paghahalintulad sa isang hanging sa loob nito ay may matinding lamig, na tumama sa sakahan ng mga taong lumabag sa katarungan sa mga sarili nila kaya nagpahamak ito roon. Hindi lumabag sa katarungan sa kanila si Allāh, subalit ang mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan. (117)
Tafsīr
Ang paghahalintulad sa anumang ginugugol ng mga tagatangging sumampalatayang ito sa mga anyo ng pagpapakabuti at sa anumang hinihintay nila na gantimpala sa mga ito ay gaya ng paghahalintulad sa isang hanging sa loob nito ay may matinding lamig na tumama sa pananim ng mga taong lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa mga pagsuway at iba pa kaya nasira ang pananim nila samantalang umasa na sila mula rito ng maraming mabuti. Kung paanong sumira ang hanging ito sa pananim kaya hindi napakinabangan iyon, gayon din ang kawalang-pananampalataya: nagpapawalang-saysay ito sa gantimpala sa mga gawain nila na inaasahan nila. Si Allāh ay hindi lumabag sa katarungan sa kanila – pagkataas-taas Siya para roon. Lumabag lamang sila sa katarungan sa mga sarili nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at sa pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: