Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 117 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 117 sa 200 • Tagalog


مَثَلُ مَا يُنْفِقُونَ فِي هَٰذِهِ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا كَمَثَلِ رِيحٍ فِيهَا صِرٌّ أَصَابَتْ حَرْثَ قَوْمٍ ظَلَمُوا أَنْفُسَهُمْ فَأَهْلَكَتْهُ ۚ وَمَا ظَلَمَهُمُ اللَّهُ وَلَٰكِنْ أَنْفُسَهُمْ يَظْلِمُونَ 117
Pagsasalin:
Ang paghahalintulad sa ginugugol nila sa buhay na pangmundong ito ay gaya ng paghahalintulad sa isang hanging sa loob nito ay may matinding lamig, na tumama sa sakahan ng mga taong lumabag sa katarungan sa mga sarili nila kaya nagpahamak ito roon. Hindi lumabag sa katarungan sa kanila si Allāh, subalit ang mga sarili nila ay lumalabag sa katarungan. Āl ‘Imrān 3:117
Tafsīr:
Ang paghahalintulad sa anumang ginugugol ng mga tagatangging sumampalatayang ito sa mga anyo ng pagpapakabuti at sa anumang hinihintay nila na gantimpala sa mga ito ay gaya ng paghahalintulad sa isang hanging sa loob nito ay may matinding lamig na tumama sa pananim ng mga taong lumabag sa katarungan sa mga sarili nila dahil sa mga pagsuway at iba pa kaya nasira ang pananim nila samantalang umasa na sila mula rito ng maraming mabuti. Kung paanong sumira ang hanging ito sa pananim kaya hindi napakinabangan iyon, gayon din ang kawalang-pananampalataya: nagpapawalang-saysay ito sa gantimpala sa mga gawain nila na inaasahan nila. Si Allāh ay hindi lumabag sa katarungan sa kanila – pagkataas-taas Siya para roon. Lumabag lamang sila sa katarungan sa mga sarili nila dahilan sa kawalang-pananampalataya nila at sa pagpapasinungaling nila sa mga sugo Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 116 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 118