Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 116 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 116 sa 200 • Tagalog


إِنَّ الَّذِينَ كَفَرُوا لَنْ تُغْنِيَ عَنْهُمْ أَمْوَالُهُمْ وَلَا أَوْلَادُهُمْ مِنَ اللَّهِ شَيْئًا ۖ وَأُولَٰئِكَ أَصْحَابُ النَّارِ ۚ هُمْ فِيهَا خَالِدُونَ 116
Pagsasalin:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya, walang magagawang anuman para sa kanila ang mga yaman nila ni ang mga anak nila laban kay Allāh. Ang mga iyon ay ang mga maninirahan sa Apoy; sila ay doon mga mananatili. Āl ‘Imrān 3:116
Tafsīr:
Tunay na ang mga tumangging sumampalataya kay Allāh at sa mga sugo Niya ay hindi magsasanggalang sa kanila ang mga yaman nila, hindi magtutulak ang mga ito palayo sa kanila ng pagdurusang dulot Niya, at hindi magdudulot ang mga ito para sa kanila ng awa Niya, bagkus magdadagdag ang mga ito sa kanila ng pagdurusa at panghihinayang. Ang mga iyon ay mga maninirahan sa Apoy, na mga mamamalagi roon.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 115 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 117