Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 118 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 118 sa 200 • Tagalog


يَا أَيُّهَا الَّذِينَ آمَنُوا لَا تَتَّخِذُوا بِطَانَةً مِنْ دُونِكُمْ لَا يَأْلُونَكُمْ خَبَالًا وَدُّوا مَا عَنِتُّمْ قَدْ بَدَتِ الْبَغْضَاءُ مِنْ أَفْوَاهِهِمْ وَمَا تُخْفِي صُدُورُهُمْ أَكْبَرُ ۚ قَدْ بَيَّنَّا لَكُمُ الْآيَاتِ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْقِلُونَ 118
Pagsasalin:
O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa ng mga katapatang-loob na bukod pa sa inyo; hindi sila magmimintis sa inyo sa paninira at nag-asam sila ng paghihirap ninyo. Lumitaw nga ang pagkamuhi mula sa mga bibig nila ngunit ang ikinukubli ng mga dibdib nila ay higit na malaki. Naglinaw nga Kami para sa inyo ng mga tanda, kung nangyaring kayo ay nakapag-uunawa. Āl ‘Imrān 3:118
Tafsīr:
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong gumawa bilang mga matalik na kaibigan at mga kapanalig mula sa hindi mga mananampalataya, na nagpapabatid kayo sa kanila ng mga lihim ninyo at mga natatangi sa mga kalagayan ninyo, sapagkat sila ay hindi magkukulang sa paghahanap ng kapinsalaan ninyo at pagkagulo ng kalagayan ninyo. Nagmimithi sila ng pagkakaroon ng mamiminsala sa inyo at magpapahirap sa inyo. Nahayag na ang pagkasuklam at ang pagkamuhi sa mga dila nila sa pamamagitan ng paninirang-puri sa relihiyon ninyo, ng labanan sa pagitan ninyo, at ng pagkakalat ng mga lihim ninyo. Ang itinatago ng mga dibdib nila na pagkasuklam ay higit na mabigat. Naglinaw nga Kami sa inyo, O mga mananampalataya, ng mga patunay na maliwanag sa anumang naroon ang mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay, kung kayo ay nakapag-uunawa buhat sa Panginoon ninyo ng pinababa Niya sa inyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 117 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 119