Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 119 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 119 sa 200 • Tagalog


هَا أَنْتُمْ أُولَاءِ تُحِبُّونَهُمْ وَلَا يُحِبُّونَكُمْ وَتُؤْمِنُونَ بِالْكِتَابِ كُلِّهِ وَإِذَا لَقُوكُمْ قَالُوا آمَنَّا وَإِذَا خَلَوْا عَضُّوا عَلَيْكُمُ الْأَنَامِلَ مِنَ الْغَيْظِ ۚ قُلْ مُوتُوا بِغَيْظِكُمْ ۗ إِنَّ اللَّهَ عَلِيمٌ بِذَاتِ الصُّدُورِ 119
Pagsasalin:
Heto, kayo itong umiibig sa kanila samantalang hindi sila umiibig sa inyo habang sumasampalataya kayo sa kasulatan sa kabuuan nito. Kapag nakatagpo nila kayo ay nagsasabi sila: “Sumampalataya kami.” Kapag nagkasarilinan sila ay kumakagat sila sa mga dulo ng mga daliri dala ng ngitngit sa inyo. Sabihin mo: “Mamatay kayo sa ngitngit ninyo.” Tunay na si Allāh ay Maalam sa nilalaman ng mga dibdib. Āl ‘Imrān 3:119
Tafsīr:
Heto, kayo nga, O mga mananampalatayang ito, ay umiibig sa mga taong iyon at naghahangad para sa kanila ng kabutihan samantalang sila ay hindi umiibig sa inyo at hindi naghahangad para sa inyo ng kabutihan, bagkus nasusuklam sila sa inyo samantalang kayo naman ay sumasampalataya sa mga kasulatan sa kabuuan ng mga ito – at kabilang sa mga ito ang mga kasulatan nila – samantalang sila ay hindi sumasampalataya sa Aklat na pinababa ni Allāh sa Propeta ninyo. Kapag nakatagpo nila kayo ay nagsasabi sila sa pamamagitan ng mga dila nila: "Naniwala kami." Kapag bumukod ang ilan sa kanila kasama ng iba ay kumakagat sila sa mga dulo ng mga daliri dala ng lumbay at ngitngit dahil sa kayo ay nasa pagkakaisa, pagkakabuklod ng adhikain, at karangalan ng Islām, at dahil sa taglay nila na pagkahamak. Sabihin mo, O Propeta, sa mga taong iyon: "Manatili kayo sa anumang kayo ay naroon na hanggang sa mamatay kayo sa lumbay at ngitngit." Tunay na si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib na pananampalataya at kawalang-pananampalataya, at kabutihan at kasamaan.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 118 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 120