Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 118)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
O mga sumampalataya, huwag kayong gumawa ng mga katapatang-loob na bukod pa sa inyo; hindi sila magmimintis sa inyo sa paninira at nag-asam sila ng paghihirap ninyo. Lumitaw nga ang pagkamuhi mula sa mga bibig nila ngunit ang ikinukubli ng mga dibdib nila ay higit na malaki. Naglinaw nga Kami para sa inyo ng mga tanda, kung nangyaring kayo ay nakapag-uunawa. (118)
Tafsīr
O mga sumampalataya kay Allāh at sumunod sa Sugo Niya, huwag kayong gumawa bilang mga matalik na kaibigan at mga kapanalig mula sa hindi mga mananampalataya, na nagpapabatid kayo sa kanila ng mga lihim ninyo at mga natatangi sa mga kalagayan ninyo, sapagkat sila ay hindi magkukulang sa paghahanap ng kapinsalaan ninyo at pagkagulo ng kalagayan ninyo. Nagmimithi sila ng pagkakaroon ng mamiminsala sa inyo at magpapahirap sa inyo. Nahayag na ang pagkasuklam at ang pagkamuhi sa mga dila nila sa pamamagitan ng paninirang-puri sa relihiyon ninyo, ng labanan sa pagitan ninyo, at ng pagkakalat ng mga lihim ninyo. Ang itinatago ng mga dibdib nila na pagkasuklam ay higit na mabigat. Naglinaw nga Kami sa inyo, O mga mananampalataya, ng mga patunay na maliwanag sa anumang naroon ang mga kapakanan ninyo sa Mundo at Kabilang-buhay, kung kayo ay nakapag-uunawa buhat sa Panginoon ninyo ng pinababa Niya sa inyo.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: