Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 11)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, nagpasinungaling sila sa mga tanda kaya nagparusa sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Si Allāh ay matindi ang parusa. (11)
Tafsīr
Ang lagay ng mga tagatangging sumampalataya na ito ay gaya ng lagay ng mga kampon ni Paraon at ng mga nauna pa sa kanila kabilang sa mga tumanging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga tanda Niya kaya pinagdusa sila ni Allāh dahilan sa mga pagkakasala nila at hindi nagpakinabang sa kanila ang mga yaman nila at ang mga anak nila. Si Allāh ay matindi ang parusa sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga tanda Niya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: