Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 11 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 11 sa 200 • Tagalog


كَدَأْبِ آلِ فِرْعَوْنَ وَالَّذِينَ مِنْ قَبْلِهِمْ ۚ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا فَأَخَذَهُمُ اللَّهُ بِذُنُوبِهِمْ ۗ وَاللَّهُ شَدِيدُ الْعِقَابِ 11
Pagsasalin:
Gaya ng kinagawian ng mga kampon ni Paraon at ng mga bago pa nila, nagpasinungaling sila sa mga tanda kaya nagparusa sa kanila si Allāh dahil sa mga pagkakasala nila. Si Allāh ay matindi ang parusa. Āl ‘Imrān 3:11
Tafsīr:
Ang lagay ng mga tagatangging sumampalataya na ito ay gaya ng lagay ng mga kampon ni Paraon at ng mga nauna pa sa kanila kabilang sa mga tumanging sumampalataya kay Allāh at nagpasinungaling sa mga tanda Niya kaya pinagdusa sila ni Allāh dahilan sa mga pagkakasala nila at hindi nagpakinabang sa kanila ang mga yaman nila at ang mga anak nila. Si Allāh ay matindi ang parusa sa sinumang tumangging sumampalataya sa Kanya at nagpasinungaling sa mga tanda Niya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 10 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 12