Sabihin mo sa mga tumangging sumampalataya: “Gagapihin kayo at kakalapin kayo patungo sa Impiyerno. Kay saklap ang himlayan!” Āl ‘Imrān 3:12 ⧉
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tumangging sumampalataya sa kabila ng pagkakaiba-iba ng mga relihiyon nila: "Gagapi sa inyo ang mga mananampalataya at mamamatay kayo sa kawalang-pananampalataya. Magtitipon sa inyo si Allāh patungo sa apoy ng Impiyerno. Kay saklap ang higaan para sa inyo!"