Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 13 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 13 sa 200 • Tagalog


قَدْ كَانَ لَكُمْ آيَةٌ فِي فِئَتَيْنِ الْتَقَتَا ۖ فِئَةٌ تُقَاتِلُ فِي سَبِيلِ اللَّهِ وَأُخْرَىٰ كَافِرَةٌ يَرَوْنَهُمْ مِثْلَيْهِمْ رَأْيَ الْعَيْنِ ۚ وَاللَّهُ يُؤَيِّدُ بِنَصْرِهِ مَنْ يَشَاءُ ۗ إِنَّ فِي ذَٰلِكَ لَعِبْرَةً لِأُولِي الْأَبْصَارِ 13
Pagsasalin:
Nagkaroon nga kayo ng isang tanda sa dalawang pangkat na nagkita [sa labanan sa Badr]: may isang pangkat na nakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh at may isa pang tagatangging sumampalataya. Nakakikita sila sa mga iyon na dalawang tulad nila ayon sa pagkakita ng mata. Si Allāh ay nag-aalalay sa pamamagitan ng pag-aadya Niya sa sinumang niloloob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang para sa mga may paningin. Āl ‘Imrān 3:13
Tafsīr:
Nagkaroon nga kayo ng isang pahiwatig at isang maisasaalang-alang sa dalawang pangkat na nagkita para sa paglalaban sa Araw ng Badr. Ang isa sa dalawa ay isang pangkat na mananampalataya. Ito ay ang Sugo ni Allāh – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – at ang mga Kasamahan niya, na nakikipaglaban ayon sa landas ni Allāh upang ang Salita ni Allāh ay maging ang kataas-taasan at ang salita ng mga tumangging sumampalataya ay maging ang kababa-babaan. Ang iba pa ay isang pangkat na tagatangging sumampalataya. Sila ay ang mga tagatangging sumampalataya ng Makkah, na mga lumabas bilang pagyayabang, pagpapakitang-tao, at panatisismong panlipi. Nakikita ang mga iyon ng mga mananampalataya bilang dalawang ulit nila sa reyalidad ayon sa pagkakita ng mata ngunit nag-adya si Allāh sa mga tinatangkilik Niya. Si Allāh ay nag-aalalay sa pamamagitan ng pag-aadya Niya sa sinumang niloloob Niya. Tunay na sa gayon ay talagang may maisasaalang-alang at pangaral para sa mga may paningin upang malaman nila na ang pagwawagi ay ukol sa mga alagad ng pananampalataya kahit pa man kumaunti ang bilang nila at na ang pagkatalo ay ukol sa alagad ng kabulaanan kahit pa man dumami ang bilang nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 12 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 14