Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 14 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 14 sa 200 • Tagalog


زُيِّنَ لِلنَّاسِ حُبُّ الشَّهَوَاتِ مِنَ النِّسَاءِ وَالْبَنِينَ وَالْقَنَاطِيرِ الْمُقَنْطَرَةِ مِنَ الذَّهَبِ وَالْفِضَّةِ وَالْخَيْلِ الْمُسَوَّمَةِ وَالْأَنْعَامِ وَالْحَرْثِ ۗ ذَٰلِكَ مَتَاعُ الْحَيَاةِ الدُّنْيَا ۖ وَاللَّهُ عِنْدَهُ حُسْنُ الْمَآبِ 14
Pagsasalin:
Ipinaakit para sa mga tao ang pagkaibig sa mga ninanasa gaya ng mga babae, mga anak, bunton-bunton na nakabuntong ginto at pilak, mga kabayong tinatakan, mga hayupan, at sakahan. Iyon ay ang natatamasa sa buhay na pangmundo samantalang si Allāh ay taglay Niya ang kagandahan ng uwian. Āl ‘Imrān 3:14
Tafsīr:
Nagpapabatid si Allāh – pagkataas-taas Siya – na Siya ay nagpaganda para sa mga tao, bilang pagsubok para sa kanila, sa pagkaibig sa mga ninanasang pangmundo tulad ng mga babae, mga anak, maraming kayamanang naipon gaya ng ginto at pilak, mga kabayong tinatakan na magaganda, mga hayupan gaya ng mga kamelyo, mga baka at mga tupa, at pagsasaka sa lupa. Iyon ay ang natatamasa sa buhay na pangmundo, na tinatamasa sa isang yugto. Pagkatapos maglalaho ito kaya hindi nararapat para sa mananampalataya na mahumaling dito samantalang si Allāh ay taglay Niya lamang ang kagandahan ng babalikan, ang Paraiso na ang luwang nito ay ang pagitan ng mga langit at lupa.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 13 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 15