Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 120)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 120

إِنْ تَمْسَسْكُمْ حَسَنَةٌ تَسُؤْهُمْ وَإِنْ تُصِبْكُمْ سَيِّئَةٌ يَفْرَحُوا بِهَا ۖ وَإِنْ تَصْبِرُوا وَتَتَّقُوا لَا يَضُرُّكُمْ كَيْدُهُمْ شَيْئًا ۗ إِنَّ اللَّهَ بِمَا يَعْمَلُونَ مُحِيطٌ 120 ١٢٠

Kung may sumasaling sa inyo na isang maganda ay magpapasama ng loob sa kanila ito at kung may tumatama sa inyo na isang masagwa ay matutuwa sila dahil dito. Kung magtitiis kayo at mangingilag kayong magkasala ay hindi pipinsala sa inyo ang panlalansi nila ng anuman. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa nila ay Tagapaligid. (120)

Tafsīr
Kung may dumadapo sa inyo, O mga mananampalataya, na isang biyaya dahil sa pagwawagi sa kaaway o pagkadagdag sa yaman at anak ay dumadapo sa kanila ang pagkabahala at ang lungkot. Kung may dumadapo sa inyo na isang kasawian dahil sa pagwawagi ng kaaway o pagkabawas sa yaman at anak ay natutuwa sila dahil doon at nagagalak sa kapighatian ninyo. Kung magtitiis kayo sa mga ipinag-uutos Niya at mga pagtatakda Niya at mangingilag kayo sa galit Niya sa inyo ay hindi pipinsala sa inyo ang pakana nila at ang pananakit nila. Tunay na si Allāh sa anumang ginagawa nila na pakana ay sumasaklaw at magtutulak sa kanila na mga nabibigo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba