Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 121)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 121

وَإِذْ غَدَوْتَ مِنْ أَهْلِكَ تُبَوِّئُ الْمُؤْمِنِينَ مَقَاعِدَ لِلْقِتَالِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 121 ١٢١

[Banggitin] noong umalis ka sa umaga mula sa mag-anak mo, na nagtatalaga sa mga mananampalataya ng mga himpilan para sa labanan [sa Uḥud]. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. (121)

Tafsīr
Banggitin mo, O Propeta, nang umalis ka sa unang bahagi ng maghapon mula sa Madīnah para sa pakikipaglaban sa mga tagapagtambal sa Uḥud kung saan nagsimula ka sa paghimpil sa mga mananampalataya sa mga puwesto nila sa labanan at nilinaw mo sa bawat isa ang puwesto niya. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba