Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 121 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 121 sa 200 • Tagalog


وَإِذْ غَدَوْتَ مِنْ أَهْلِكَ تُبَوِّئُ الْمُؤْمِنِينَ مَقَاعِدَ لِلْقِتَالِ ۗ وَاللَّهُ سَمِيعٌ عَلِيمٌ 121
Pagsasalin:
[Banggitin] noong umalis ka sa umaga mula sa mag-anak mo, na nagtatalaga sa mga mananampalataya ng mga himpilan para sa labanan [sa Uḥud]. Si Allāh ay Madinigin, Maalam. Āl ‘Imrān 3:121
Tafsīr:
Banggitin mo, O Propeta, nang umalis ka sa unang bahagi ng maghapon mula sa Madīnah para sa pakikipaglaban sa mga tagapagtambal sa Uḥud kung saan nagsimula ka sa paghimpil sa mga mananampalataya sa mga puwesto nila sa labanan at nilinaw mo sa bawat isa ang puwesto niya. Si Allāh ay Madinigin sa mga sinasabi ninyo, Maalam sa mga ginagawa ninyo.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 120 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 122