Surah Āl ‘Imrān (Ang Pamilya ni Imran — آل عمران) (Talata 125)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




3 Āl ‘Imrān(آل عمران), Talata 125

بَلَىٰ ۚ إِنْ تَصْبِرُوا وَتَتَّقُوا وَيَأْتُوكُمْ مِنْ فَوْرِهِمْ هَٰذَا يُمْدِدْكُمْ رَبُّكُمْ بِخَمْسَةِ آلَافٍ مِنَ الْمَلَائِكَةِ مُسَوِّمِينَ 125 ١٢٥

Oo; kung magtitiis kayo, mangingilag kayong magkasala, at darating sila sa inyo dahil sa pag-aagad-agad nilang ito ay aayuda sa inyo ang Panginoon ninyo ng limang libong anghel na mga tinatakan. (125)

Tafsīr
Oo; tunay na iyon ay sasapat sa inyo. Ukol sa inyo ay isang nakagagalak na balita hinggil sa iba pang tulong mula kay Allāh. Kung magtitiis kayo sa pakikipaglaban, mangingilag kayong magkasala kay Allāh, at darating ang ayuda sa mga kaaway ninyo nang daglian, na mga nagmamadali patungo sa inyo, kung mangyayari iyon, tunay na ang Panginoon ninyo ay tutulong sa inyo ng limang libong anghel na mga tinatakan ang mga sarili nila at ang mga kabayo nila ng mga tandang nakalitaw.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba