Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Āl ‘Imrān — Talata 125 (Tagalog) — Bidyo

Āl ‘Imrān • Talata 125 sa 200 • Tagalog


بَلَىٰ ۚ إِنْ تَصْبِرُوا وَتَتَّقُوا وَيَأْتُوكُمْ مِنْ فَوْرِهِمْ هَٰذَا يُمْدِدْكُمْ رَبُّكُمْ بِخَمْسَةِ آلَافٍ مِنَ الْمَلَائِكَةِ مُسَوِّمِينَ 125
Pagsasalin:
Oo; kung magtitiis kayo, mangingilag kayong magkasala, at darating sila sa inyo dahil sa pag-aagad-agad nilang ito ay aayuda sa inyo ang Panginoon ninyo ng limang libong anghel na mga tinatakan. Āl ‘Imrān 3:125
Tafsīr:
Oo; tunay na iyon ay sasapat sa inyo. Ukol sa inyo ay isang nakagagalak na balita hinggil sa iba pang tulong mula kay Allāh. Kung magtitiis kayo sa pakikipaglaban, mangingilag kayong magkasala kay Allāh, at darating ang ayuda sa mga kaaway ninyo nang daglian, na mga nagmamadali patungo sa inyo, kung mangyayari iyon, tunay na ang Panginoon ninyo ay tutulong sa inyo ng limang libong anghel na mga tinatakan ang mga sarili nila at ang mga kabayo nila ng mga tandang nakalitaw.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Āl ‘Imrān • Talata 124 Susunod Āl ‘Imrān • Talata 126